Australian actress na si Margot Robbie gaganap bilang Barbie sa unang live-action film

IG Photo

Ang Australian actress na si Margot Robbie ang gaganap bilang ‘Barbie’ sa kauna-unahang live-action feature movie tampok ang naturang iconic doll.

Ang pagkakapili kay Robbie ay inanunsyo ng Mattel, ang kumpanyang gumagawa sa Barbie, at ng movie studio na Warner Bros.

Ang 28-anyos na si Oscar-nominated actress ay magsisilbi ring co-producer para sa nasabing pelikula.

Wala pa namang iniaanunsyong magiging titulo at release date ng pelikula.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Robbie na umaasa siyang magiging positibo ang impact ng pelikula sa mga kabataan at lahat ng audience sa buong mundo.

 

Read more...