Lumalahok sa aktibidad ng Traslacion 2019 umabot na sa halos kalahating milyon

Photo from Quiapo Church

Umabot na sa halos kalahating milyong deboto ang lumalahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa kapistahan ng Black Nazarene.

Batay sa crowd estimate ng Manila Police District (MPD) alas 8:40 ng umaga, umabot na sa 200,000 ang bilang ng mga deboto na nasa bahagi ng P. Burgos at 190,000 naman sa bahagi ng Bonifacio Shrine.

Sa Quiapo Church naman kung saan mayroong oras-oras na misang idinaraos, umabot na sa 40,000 ang bilang ng mga deboto.

Bago mag alas 9:00 ng umaga nasa P. Burgos na ang andas ng Itim na Nazareno malapit sa bahagi ng National Museum.

Read more...