Pagsisimula ng traslacion naging maayos at payapa – NCRPO

Kuha ni Jong Manlapaz

Naging maayos at mayapa ang pag-usad ng andas ng Itim na Nazareno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, kay National Capital Region Police Office chief, Director Guillermo Eleazar, mula nang magsimula ang traslacion kaninang umaga, ay wala pang naiuulat na krimen.

Sinabi ni Eleazar na umaasa silang magiging payapa ang sitwasyon hanggang sa maibalik ang Itim na Nazareno sa Quiapo Church.

Patuloy naman ang panawagan ng NCRPO sa mga deboto na habaan ang pasensya at protektahan ang kanilang hanay.

Kung may edad na, may problema sa kalusugan at ang mga bata ay hindi na dapat isama pa sa traslacion.

Hiniling din ni Eleazar ang kooperasyon ng mga deboto para mapanatiling maayos ang traslacion hanggang sa ito ay matapos.

Read more...