Patuloy ang pagdating ng mga nasugatan at mga pasyenteng sumasama ang pakiramdam sa mga istasyon ng Philippine Red Cross sa pagpapatuloy ng traslacion ng Itim na Nazareno.
Alas 7:00 ng umaga, sinabi ng Red Cross na umabot na sa 342 ang mga pasyenteng kanilang naasistihan.
Kabilang dito ang 272 na katao na nagpamonitor ng kanilang blood pressure, 63 na pasyente na nahirapang huminga, hinimatay, nagalusan, nagkapasa, at sumakit ang ngipin.
Habang apat naman ang maitituring na major cases, dalawa dito ang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Isang 16 anyos na pasyente rin na mla sa Malabon ang nawalan ng malay habang nasa kasagsagan ng Traslacion pero agad naman itong nalapatan ng lunas.
READ NEXT
3 menor edad patay matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang traktora sa Digos City
MOST READ
LATEST STORIES