Isinilbi ng National Police Commission (Napolcom) ang pirmadong dokumento na bumabawi sa authority ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa lokal na pulisya.
Dinala ng mga opisyal ng Napolcom ang revocation ng police deputation sa tanggapan ni Baldo.
Nakasaad sa dokumento na agad binabawi ng Commission ang deputation ni Baldo bilang kinatawan ng Napolcom.
Nakapaloob ang order sa resolusyon na may petsang January 7, 2019 at pirmado ni Interior Sec. Eduardo Año.
Ibig sabihin nito ay suspendido na ang authority ni Baldo sa local police bilang Napolcom deputy.
Ang hakbang ng Napolcom ay kaugnay ng pagiging utak umano ni Baldo sa pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe.
MOST READ
LATEST STORIES