Pasok sa lahat ng antas sa Quezon City suspendido bukas, Jan. 9

Nagdeklara ng class suspension bukas January 9 si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa buong siyudad sa lahat ng antas.

Ito ay alinsunod na rin gagawing traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Ikinunsidera ng kautusan ni Bautista ang posibleng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko na mararanasan dahil na rin sa inaasahang dagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno.

Hinikayat ni Bautista ang mga learning facilitators at faculty ng mga eskwelahan ng bigyan na lamang ng karagdagang conpensatory homework ang mga estudyante na maapektuhan ng class suspenstion.

 

Read more...