LOOK: Mugshots ng 6 na suspek sa Batocabe slay case inilabas ng PNP

Photo: PNP

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang mugshots ng anim na mga suspek sa papatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at kaniyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz.

Ayon sa PNP, lahat ng testimonya ng anim na mga suspek ay tumutukoy kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo bilang utak sa krimen.

Lahat sila ay pawang confidential staff sa Office of the Municipal Mayor ng Daraga, Albay at tumatanggap ng P7,000 kada buwan na sweldo.

Kabilang sa mga suspek si Henry Yuson na dating miyembro ng Philippine Army at siyang nagsilbing main gunman sa pagpatay kay Batocabe.

Si Christopher Naval allyas Tuping na dati ring sundalo at umano ay security aide ni Baldo.

Si Rolando Arimado alyas RR na dating CAFGU na nagsilbi ring gunman.

Si Danilo Muella alyas Manoy Dan, na siyang bumili ng dalawang home-made na caliber 45 na baril para sa planadong pagpatay.

Si Emmanuel Rosello alyas Boboy, dating militiaman at siyang nagmaneho ng isa sa mga getaway vehicle na sinakyan ng mga suspek.

At si Jaywin Baboyr na nagmaneho din ng motorsiklong ginamit na pangtakas ng mga suspek.

Si Emmanuel Bonita Judavar na unang lumapit sa PNP at nagsabing bahagi siya ng assissination plot pero nag-back out kalaunan ay itinuturing nang testigo sa kaso.

Read more...