Para kay Bello, unfair para sa kanya na agad isapubliko ang nasabing hakbanging lalot wala pa naman siyang natatanggap na kopya ng reklamo.
Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na dapat ay discreet ang ginagawang imbestigasyon ng PACC para maging patas sa lahat.
Nalaman lamang umano ni Bello sa news report ang nasabing aksyon at hindi man lang naabisuhan ng komisyon.
Kaugnay nito, inihayag ng kalihim na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pwesto si PACC Commissioner Manuelito Luna dahil aniya sa pang-aabuso sa kapangyarihan.
Bukod kay Sec. Bello, iniimbestigahan din ng PACC sina dating BOC Commissioner at ngayon ay TESDA Chief Isidro Lapeña at si Leonor Oralde-Quintayo ng National Commission on Indigenous People.