Pondo para maisailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay aprubado na ni Pang. Duterte

Radyo Inquirer File Photo

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng P47 billion na pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang proyekto para sa paglilinis Manila ay pangangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaasahang tatagal ng pitong taon ang rehabilitasyon na kapapalooban ng pagliilinis mga esterong nakadugtong sa Manila Bay.

Target din ng DENR na maibaba ang coliform level sa Manila Bay.

Una nga sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na ang budget para sa Manila Bay rehab ay hindi nakapaloob sa budget ng DENR.

Read more...