Dating CAFGU patay sa pamamaril sa Zamboanga City

Patay ang isang dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit CAFGU) matapos itong pagbabarilin sa Zamboanga City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Elmer Solon, hepe ng station 11 ng Zamboanga City police, binaril ang biktimang si Jerry Banaan ng riding-in-tandem sa bahagi ng Martha Drive, Barangay San Jose Gusu.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Sinabi ni Solon na isa sa tinitignan nilang motibo sa krimen ay may kaugnayan sa ilegal na droga.

Si Banaan kasi ay nasa drug watchlist ng mga otoridad dahil sa pagkakasangkot nito sa pagtutulak ng shabu.

Sa cellphone na narecover kay Banaan, may mensahe na nakita mula sa isang bumibili ng ilegal na droga.

Si Banaan ay natanggal bilang CAFGU matapos mag-awol.

Read more...