Ayon kay Jail Dir. Deogracias Carreon Tapayan, hepe ng BJMP, 89 percent ng 476 na mga bilangguan na nasa pangangasiwan ng ahensya ay sinertipakahang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Tiniyak pa ni Tapayan na hindi sila titigil hanggang hindi naidedeklarang drug-free at contraband-free ang buong pasilidad ng BJMP.
Sinabi pa ni Tapayan na binibigyan nila ng iba’t ibang proyekto ang mga Persons Deprived of Liberties (PDL) habang nasa kanilang pangangalaga para malibang at maiiwas sa ilegal na droga.
Samantala, pinapurihan naman ni DILG Sec. Eduardo M. Año, ang BJMP sa pagsusumikap nitong maibsan ang siksikan sa mga bilangguan.
Ayon kay Año, nabawasan ang national congestion rate ng 120 %, mula sa dati nitong record na 612 % sa December 2017 ay bumaba na sa 488 % noong November 2018.