Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 12.4 degrees Celsius; 20 degrees Celsius naitala sa Metro Manila

From Baguio City Guide

Bumagsak sa 12.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang umaga (Jan. 8).

Ayon sa PAGASA, alas 5:00 ng umaga naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City.

Sa Tuguegarao City, 18 degrees Celsius ang naitalang temperatura.

Habang sa Metro Manila naman, 20 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura, Martes ng umaga sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ito na ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa Metro Manila ngayong January 2019.

Inaasahang magtutuloy-tuloy pa ang malamig na temperatura na nararanasan dahil apektado ng Amihan ang buong Luzon at Visayas.

Read more...