Presidente ng World Bank nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto ang presidente ng World Bank na si Jim Yong Kim.

Sinabi ng 59 anyos na si Kim, bababa na siya sa pwesto epektibo sa February 1.

Sa taong 2022 pa sana matatapos ang termino ni Kim matapos siyang mahalal sa pwesto noong 2017.

HIndi naman binanggit ni Kim kung ano ang dahilan ng kaniyang pagbaba sa pwesto.

Sa kaniyang pag-alis sa Pebrero, papalit sa kaniya si Kritalina Georgieva na chief executive officer ng World Bank.

Read more...