PUBLIC SERVICE: Ilang barangay sa Rodriguez, Rizal mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ngayong araw ang anim na mga barangay sa Rodriguez, Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, may aktibidad ito sa bahagi ng Milex Road malapit sa COngressville sa Barangay Manggahan.

Dahil dito, magkakaroon ng water service interruption mula alas 10:00 ng gabi mamaya (Jan. 8) hanggang alas 6:00 ng umaga bukas (Jan. 9) sa sumusunod na barangay:

– San Isidro
– San Rafael
– Geronimo
– Balite
– Rosario
– Manggahan

Pinayuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin para sa nasabing oras.

Read more...