Nahaharap sa kaso ang mga sinehan na magpapalabas ng pelikula ukol sa buhay ni dating Philippine National Police chief Ronald dela Rosa sa loob ng 3 buwang kampanya.
Babala ito ni Commission on Elections Spokesperson James Jimenez kaugnay ng biopic ni Dela Rosa na si Robin Padilla ang pangunahing aktor at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong taon.
Ayon kay Jimenez, sa ilalim ng elections rules, bawal sa campaign period ang pagpapalabas ng pelikula ukol sa buhay ng kandidato o itinatampok ang tatakbo sa anumang posisyon sa 2019 mid-term elections.
Oras anyang magsimula na ang kampanya ay dapat nang itigil ang pagpapalabas ng naturang pelikula.
Kung alam naman o nakipag-tulungan pa ang kandidato para maipalabas ang pelikula tungkol sa kanya ay mapaparusahan din ito.
Ang kampanya para sa Senatorial candidate ay mula February 12 hanggang May 11 habang sa lokal na posisyon ay sa pagitan ng March 30 at May 11.