Miyerkules ng umaga nang dumating si Humala para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ang mga aktibidad ay pormal na magsisimula ngayong araw, November 18 at tatagal hanggang bukas, November 19.
Sa bansang Peru gagawin ang APEC Economic Leader’s Meeting sa susunod na taon.
Ngayong tanghali, personal na iimbitahan ni Humala sa isang noontime reception sa Makati, ang mga world leaders at delegates na dumalo sa APEC CEO Summit 2016.
Si Humala ay naging presidente ng Peru noong 2011. Bago pumasok sa pulitika ay nagsilbi muna bilang army officer si Humala.
Samantala, si Russian Prime Minister Medvedev naman ay dumating sa NAIA terminal 1 alas 8:00 ng umaga.
Si Medvedev ang kakatawan kay President Vladimir Putin sa APEC summit.
Si Medvedev din ang dadalo sa East Asia summit sa Malaysia sa Nov. 21 hanggang 22.