Kinita ng MMFF 2018 mahigit P1 bilyon na

Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, base sa datos kahapon, Jan. 6, nahigitan na ang P1 billion record na kita sa MMFF.

Ito ay sa kabila ng mga kinaharap na pagsubok gaya na lamang ng maulang panahon nitong nagdaang mga araw.

Muli namang nagpasalamat ang MMFF sa pubiliko sa pagtangkilik sa mga pelikula.

Muli ring umapela ang MMFF sa mga hindi pa nanonood na magtungo sa mga sinehan ngayong araw na huling araw ng MMFF.

Read more...