Isa pang grupo ng mga residente sa Mindanao nakisali sa petisyon laban sa BOL

Tatlong indibiduwal ang naghain ngayon ng motion for leave to intervene sa usaping nakabinbin sa Korte Suprema na may kinalaman sa Bangsamoro Organic Law.

Ayon kina Atty. Manuelito Luna, Atty Nasser Marohomsalic at CPA Amanoding Esmail, ng Philippine Association of Islamic Accountants, dapat ibasura na lamang ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ni Sulu Gov. Abdusakur Tan II dahil sa kawalan ng merito.

Sa kanilang motion for leave to file intervention and admit attached answer-in-intervention, nais ng grupo ng intervenor na pagtibayin ng Korte Suprema ang RA 11054 o BOL lalo na at matibay ang legalidad nito, binusisi ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Hiniling din ng mga intervenor sa Mataas na Tribunal na ipasalang-saysay ang hinihinging provisional remedies ni Gov. Tan sa pagiging depektibo nito.

Panahon na anila na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao na ilang dekada nang dumaranas ng gulo.

Itinuturing anila na ang BOL na iiwang legacy ng Pangulong Duterte.

Una rito ay naghain ng motion for intervention ang grupo ng Philippine Constitution Association o Philconsa laban sa BOL.

Read more...