Profiling sa mga guro labag sa rights to privacy – CHR

Nakaaalarma ang ulat hinggil sa utos umano ng Philippine National Police (PNP) na profiling sa mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Pahayag ito ng Commission on Human Rights kasabay ng pagsasabi na nilalabag ng naturang kautusan ang rights to privacy and association ng mga guro.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, kung mayroon mang nilalabag ang sinumang miyembro ng ACT dapat ay gumawa ng hakbang ang PNP nang naayon sa batas kasabay ng pagtitiyak na masusunod ang due process.

Hinikayat ng CHR ang pamahalaan at ang PNP na mag-isyu ng paglilinaw hinggil sa nasabing mga alegasyon.

Mahalaga ayon sa CHR na manatiling tapat ang mga pulis sa kanilang ginagampanang trabaho bilang law enforcers.

Read more...