Monreal, Masbate niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Monreal sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Northwest ng bayan ng Monreal, 6:01 umaga ng Lunes January
7.

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...