Border wall sa Mexico gagawin na lang bakal at hindi na konkreto ayon kay Trump

Walang balak si U.S. Pres. Donald Trump na umatras sa pagtatayo ng border sa Mexico.

Pero sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na sa halip na konkreto ay maaring gawing bakal na ang itatayong border wall para mas matibay.

Sinabi ni Trump na naging produktibo naman ang pulong ni Vice President Mike Pence sa liderato ng kongreso.

At kabilang sa tinalakay ay ang border security.

“V.P. Mike Pence and group had a productive meeting with the Schumer/Pelosi representatives today. Many details of Border Security were discussed. We are now planning a Steel Barrier rather than concrete,” ayon kay Trump.

Magugunitang hindi pa rin nagkakasundo ang White House at kongreso para pondohan ang itatayong border.

Read more...