Naaresto sina Conrado Gonzales, 52 anyos, residente ng Caloocan City; Bernard Bailey, 41 anyos, residente ng Maynila; at Arlene Puno, 43 anyos, residente ng Pasig City sa operasyong isinagawa bandang alas-12:30 ng hatinggabi sa harap ng isang sabungan sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 60 gramo at nagkakahalaga ng P408,000 pesos; dalawang ziplock bags ng pinatuyong marijuana, drug paraphernalia, kalibre .45 at .38 na mga baril at mga bala.
Napag-alaman na si Gonzales, na siyang pangunahing supplier ng droga sa lugar, ay mayroon ng dalawang kaso na may kaugnayan sa bawal na gamot.
Si Bailey naman ay nahatulang guilty sa kasong murder taong 1997 habang si Puno ay nasa drug watchlist din ng Pasay City.
Samantala, naaresto rin ang mga suspek na sina Alvin Mateo alyas Bunso at Laylanie Madulid sa isa pang buy-bust operation sa Brgy. Sta Monica.
Nakuha sa mga ito ang limang sachet ng shabu na umamin namang sangkot sa kalakaran ng bawal na gamot.
Sa Barangay Sauyo naman, anim na drug suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation.
Mahaharap ang 12 suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.