Pagpapatupad ng lockdown protocol sa maraming lansangan tuloy ngayong araw

FB Photo / Carlo de Castro
FB Photo / Carlo de Castro

Marami pa ring kalsada ang isasara bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad sa nagaganap na APEC summit sa bansa.

Sa abiso ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), pinayuhan ang mga motorista na iwasan na ang dumaan sa paligid ng mga isasarang lansangan.

Narito ang oras at mga lugar na magpapatupad ng lockdown o closure ngayong araw:

Simula alas 7:00 ng umaga:
– EDSA-Ayala to MOA
– Roxas Blvd. mula NAIA Road to Katigbak
– Diokno Ave. mula Seaside Blvd. to EDSA
– Macapagal Ave. mula Arsenia to Buendia Extension

Simula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga:
– Northbound Terminal 3 to Skyway to Magallanes ramp to EDSA Arnaiz Pasay Road

Simulan alas 10:30 ng umaga:
– Terminal 1 to NAIA Road to Roxas Blvd.

Patuloy na maglalabas ng abiso ang MMDA at PNP-HPG sa mga isasarang kalsada ngayong araw.

Read more...