Isa sa kapatid ng suicide bomber sa Paris, nakatakas

FranceAksidenteng napakawalan ng French police ang hinihinalang driver ng mga attackers sa Paris, na kapatid din ng isa sa mga suicide bombers na si Salah Abdeslam.

Ito ay dahil napayagan umano ng mga pulis na makatawid ng border patungong Belgium noong Sabado si Abdeslam.

Sinugod ng Belgian police nitong Lunes ang hinihinalang hideout ni Abdeslam sa Molenbeek district ng Brussels, ngunit nabigo sila dahil wala ito doon.

Ang kapatid niyang si Brahim ang isa sa mga suicide bombers na nakapatay din ng isang sibilyan sa labas ng isang restaurant.

Naaresto naman ng mga pulis ang isa pa nilang kapatid na si Mohamed, pero pinalaya rin ito ng walang kaso.

Nang makalaya si Mohamed, sinabi niya na hindi makapaniwala ang kaniyang pamilya na ang dalawa niyang kapatid ay mga jihadists.

Lahat aniya sila ay lumaki sa Belgium at tila kuntento naman na sa kanilang pamumuhay.

Aniya, wala rin siyang alam sa kinaroroonan ni Salah o kung sumuko na ba siya sa mga pulisya, ngunit nilinaw niya na dahil sila’t magkapamilya, mananatili silang tapat sa dalawang kahit pa ikinagulat nila ang ginawa niya.

Read more...