Reaksyon ito ng kalihim kaugnay ng sinasabing inasal ng aktor sa harap ng immigration officers sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) noong Huwebes.
Matatandaang umani ng batikos si Labrusca dahil sa umano’y paninigaw nito sa immigration officers matapos siyang bigyan lamang ng 30 araw para manatili sa bansa.
Nauna nang humingi ng paumanhin ang aktor na isang US citizen at sinabing dismayado lamang siya dahil hindi niya alam ang polisiya tungkol sa Balikbayan Privilege.
Pinabulaanan nito ang mga kwentong tinawag niyang ‘stupid’ ang immigration officers at ipinagyabang pa ang kanyang pagiging artista.
Ang proseso ng deportation ay pinamumunuan ng Bureau of Immigration (BI).
Nagbigay na rin ng pahayag ang ahensya at nagpaalala na sakop lamang ng Balikbayan Privilege ang mga dating Pinoy na naging naturalized citizen sa ibang bansa at kanilang mga asawa at anak na babiyahe kasama nila.