Ayon kay Badakhshan provincial governor spokesperson Nek Mohammad Nazari, naghukay ang mga minero sa isang riverbed sa Kohistan district para iligal na magmina ng ginto.
Tinatayang nasa 60 metro o 220 talampakan na ang nahukay ng mga ito nang gumuho ang minahan.
Ayon kay Nazari, karaniwan nang gawain ng mga lokal ang pagminina dahil ito lamang ang kanilang ikinabubuhay at walang kontrol ang gobyerno rito.
Bago pa man magpadala ng rescue team sa lugar ay nag-umpisa na ang mga minero na sagipin ang kanilang mga kasamahan.
Ayon kay Badakhshan police spokersperson Sanaullah Rohani, landslide ang dahilan ng trahedya.
Karaniwan ang landslides sa mga liblib at bulubundukin na lugar sa bansa lalo na tuwing malakas ang ulan.
Noong 2014, nasa 2,500 ang nasawi sa mudslides na naganap din sa Badakhshan.