Ito ay bilang paggunita sa mga biktima nang naganap na pagsabog sa isang mall noong bisperas ng bagong taon na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 34 na iba pa.
Ayon kay Sayadi, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mabibigyang-pugay ang mga nasawi na sina Jonathan Tasic Torribiano at Mariam Kali, at maipapakita ang pagkakaisa para sa 34 na iba pa.
Ilalagay naman sa half-mast ang bandila sa labas ng city hall mula ngayong araw hanggang Biyernes.
Matatandaang isang improvised explosive device ang dahilan ng pagsabog noong bisperas ng bagong taon.
Inilabas na ng pulisya ang mga larawan ng dalawang lalaki na naglagay ng IED malapit sa isang lotto outlet.
May alok ang city government na P500,000 para sa sinumang makapagbibigay impormasyon tungkol sa mga suspek.