Pacquiao, target ang “knockout victory” kontra Broner

 

Inquirer file photo

Puspusan na ang training ni Filipino Boxing champion Manny Pacquiao, para sa kanyang nakatakdang boxing match kontra kay Adrien Broner.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Senador Pacquiao na ilang araw na lamang bago ang World Welterweight championship bout nila ni Broner.

Matindi aniya ang kanyang pagsasanay dahil target niya ang isang “knockout victory.” 

Ang paghaharap ng dalawang boksingero oang  tinaguriang #PacBroner boxing match ay magaganap na sa January 19, 2019 sa MGM Grand Garden, sa Las Vegas, Nevada.

Nasa U.S. ngayon si Pacquiao upang doon mag-ensayo.

 

Read more...