Kris Aquino, inaming may Lupus

 

Isinapubliko na ni Kris Aquino ang kanyang kinakaharap sa sakit.

Sa kanyang Facebook Live broadcast kahapon (January 5), sinabi ni Kris na mayroon siyang isang uri ng “Lupus.”

Nauna nang inamin ni Kris na mayroon siyang chronic spontaneous urticaria, pero hindi siya naglabas ng iba pang detalye batay na rin sa payo ng kanyang mga abogado na huwag sabihin ang totoong sakit dahil baka gamitin daw ito ng mga kalaban ng TV host/actress.

Sa latest na pag-amin ni Kris, kanyang sinabi na hindi raw siya humihingi ng awa sa mga tao, dahil naging mabuti naman ang Panginoon sa kanya.

Pero nanay siya, at gusto umano niyang mabuhay pa para sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Isiniwalat ito ni Kris, kasabay ng kanyang pagtanggi sa mga bagong akusasyon ng dati niyang business partner na si Nicko Falcis.

Hamon niya kay Falcis, harapin ang lahat ng mga kaso, sabay sabi ni Kris na ayaw niyang mamatay na inaakusahang sinungaling.

Samantala, maraming nakapuna sa patay na pangangatawan ngayon ni Kris, batay sa latest post ng celebrity sa kanyang Instagram account.

Nangako siyang i-uupdate ang fans at susunod sa mga sinasabi ng kanyang doktor. Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng nagdarasal para sa kanya, dalawang anak at pagbuti ng kanyang kalusugan.

 

Read more...