Isinulong nina Vietnamese President Truong Tan Sang at Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapatibay ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagkaisa sa paglagda sa Joint Statement on the Establishment of a Strategic Partnership ang dalawang leader na kapwa hayag sa kanilang pagkontra sa patuloy na pagmamatigas ng China na angkinin ang malaking bahagi ng South China Sea.
Isinulong din ng Vietnamese leader ang pagpapatatag ng relasyon ng dalawang bansa sa isyu ng politika, ekonomiya, agrikuktura, maritime, security, judicial and law enforcement cooperation, scientific, socio cultural at multilateral na ugnayanayan.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Aquino at Truong Tan Sang sa Malacañang, nagkaisa rin ang mga ito na pag-ibayuhin ang kooperasyon laban sa human at illegal drug trafficking.
Dito rin nagkaisa ang dalawang pinuno na lagdaan ang Signed Protocol to Amend the 2010 Philippines-Vietnam Memorandum of Agreement on the Supply of Vietnamese Rice to the Philippines.
Palalalimin din ng naturang kasunduan ang people to people cooperation lalo na at papalapit na ang 40th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam.