Nasa ika-siyam na ranggo sang PIlipinas sa 162 na mga bansang pinakaapektado ng terorismo, batay sa Institute for Economics and Peace’s Global Terrorism Index for 2014.
Pero sa kabila nito, naitala din bilang ika-lima ang Pilipinas sa may pinakamalaking ipinagbago sa pagbaba ng bilang ng mga nasawi na may kaugnayan sa terorismo noong taong 2014.
Bumaba kasi ng 18% o 240 ang fatalities na naitala noong 2014 mula sa 291 na naitala noong 2013.
Sa taong 2014, 7.27 out of 10 ang naging score ng Pilipinas sa Global Terrorism Index.
Gayunman, ang dami ng mga namatay noong 2014 ay naitala pa rin bilang second highest sa bansa kasunod ng naitala noong 2013.
Ayon pa sa report, may kaugnayan sa mga nationalist at separatist claims ng mga nasa probinsya sa southern Philippines ang mga naitatalang terorismo sa bansa.
32% sa mga naitalang pagkamatay noong 2014 na may kaugnayan sa terorismo ay pakana ng New People’s Army.
Isa din umano ang Pilipinas sa mga bansang pinagmumulan ng mga dayuhang mandirigma sa Iraq at Syria, na mariin namang itinatanggi ng mga otoridad.
Ang bansang Pakistan naman ang sinasabing may pinakamalaking pagbaba ng bilang ng mga namatay, na sinundan ng Algeria, Russia at Lebanon.
Samantala ang 78% ng dami ng mga namatay at 57% ng mga pag-atake ay naitala sa limang bansa: sa Afghanistan, Iraq, Nigeria, Pakistan at Syria.