Presyo ng petrolyo tataas sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Nakakasa na sa susunod na linggo ang unang oil price hike para sa taong 2019.

Pero nilinaw ng ilang oil industry sources na hindi pa ito ang epekto ng excise tax na nakatakdang ipataw sa mga oil products sa pagsisimula ng taong kasalukuyan.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy na aabot sa isang buwan ang buffer stock ng mga kumpanya ng langis kaya dapat ay pagkatapos ng ikalawa hanggang ikaapat na linggo pa ng Enero maipapatupad ang dagdag na excise tax para sa mga aangkating produkto.

Inaasahang maglalaro mula P0.80 hanggang P0.90 ang dagdag sa presyo ng gasolina kada litro.

Maglalaro naman mula P0.60 hanggang P0.70 per liter ang dagdag sa presyo ng diesel samantalang P0.50 naman sa bawat litro sa kerosene o gaas.

Sa Martes ng umaga inaasahan ang pagpapatupad ng dagdag singil sa petroleum products.

 

 

Read more...