Sinabi ni Quezon City Business Permits and Licensing Office Director Garry Domingo na aabot sa 75,000 mga business owners ang inaasahan nilang dadagsa sa Quezon City Hall simula sa Lunes.
Bilang paghahanda, magpapatupad sila ng pila per categories na pila depende sa iparerehistrong negosyo.
May inihanda na rin silang pila para sa senior citizens, mga buntis at PWDs.
Para makapag-lingkod sa mas maraming business owners ay magbubukas rin ang QCBPLO sa lahat ng weekends sa buwan ng Enero.
Base sa umiiral na ordinansa, buwan lamang ng Enero ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa renewal ng business permits.
Isa sa mga requirement sa pagpapa-rehistro ng negosyo sa lungsod ay dapat may CCTV ang lahat ng mga establishmento sa Quezon City.