Umabot sa 319 ang biktima ng paputok na naitala kaugnay sa pagsalubong sa taong 2019.
Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health ng 12 bagong biktima ng paputok ngayong Sabado, na siyang huling araw ng monitoring ahensya ng mga firecracker related injuries na nagsimula noong December 21, 2019.
Sa 12 panibagong kaso, tatlo ay naitala sa Region 7, dalawa sa Metro Manila, Region 6 at 10 habang tig-isa sa Region 1, 4a at 5.
Ayon sa DOH, mas mababa ang bilang ng mga firecraker related injuries ngayong taon ng 38 porsyento kumpara noong pagsalubong sa 2018 na umabot sa 513 na kaso.
Sa kabuuang bilang ng firecracker related injuries, 305 ang nasugatan kabilang ang 11 naputulan ng bahagi ng katawan, 80 na naputukan sa mata at dalawa na nakalulon ng pulbura.
Pinakamarami naman ang nabiktima ng kwitis na 68, 36 dahil sa luces, 21 sa piccolo, 19 sa pagpapasabog ng boga, at 16 dahil sa fivestar o triangulo.