Binalaan ng Department of Trade and Industry ang mga negosyante na hindi dapat pagpatupad ng dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin makaraang hagupitin ng bagyong Usman ang ilang lalawigan sa Bicol region at Eastern Visayas.
Sinabi ng kalihim na bagaman sapat ang supply ng mga produkto para sa nasabing mga rehiyon ay mas makakabuting magmonitor na rin sila para maiwasan ang pagsasamantala ng ilang mga negosyante.
Bukod sa pagpapatupad ng price freeze ay nakamonitor rin ang DTI ayon kay Sec. Ramon Lopez sa pagtiyakna hindi kakapusin sa mga produkto ang mga pamilihan sa mga apektadong lugar.
Kung kinakailangan ay kaagad na magpapadala ang DTI ng “Diskwento Caravan” sa mga binagyong lugar para sa mas murang bilihin sa mga ordinaryong mamamayan.
Nauna dito ay iniulat ng Department of Agriculture na naapektuhan ng husto ng pananalasa ng bagyong Usman ang ilang panananim at livestocks sa mga lalawigan sa Bicol at Eastern Visayas.
Magtutulong naman ang dalawang ahensya ng pamahalaan para tulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyante na naapektuhan ng pagdaan ng bagyong Usman.