MMDA maagang magpapakalat ng tauhan sa Maynila para sa Traslacion

Inquirer file photo

Simula bukas, araw ng Linggo ay magpapakalat na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dagdag na mga tauhan sa paligid ng Luneta Park.

Bahagi ito ng maagang preparasyon sa 2019 Traslacion ng Black Nazarene sa Miyerkules, January 9.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na aabot sa 850 personnel ang kanilang ipakakalat sa mismong araw ng prusisyon.

Kabilang dito ang mga traffic enforcers, mga tauhan mula sa rescue team at Sidewalk Clearing Group.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na tutulong sila sa crowd control oras na simulan ang taunang “Pahalik” sa Quirino Grandstand na karaniwang ginagawa isang araw bago ang prusisyon.

Sinabi rin ni Lim na kaagad nilang lilinisin ang mga lansangan makaraang dumaan ang prusisyon para kaagad na magamit ito ng publiko.

Nagpakalat na rin sila ng mga dagdag na tauhan sa ilang mga kalsada sa paligid ng Luneta at Quiapo para gabayan ang mga motorista.

Pati ang ilang mga ferries ng MMDA ay naka pre-positioned na rin malapit sa Jones Bridge na maaaring gamitin sa oras ng emergencies.

Read more...