3 drugs pusher patay sa barilan sa Bulacan

Police banner

Patay ang tatlong drug suspect habang apat ang naaresto sa buy bust operation na nauwi sa engkwentro sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte Bulacan madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang dalawa sa nasawi na sina Roger Polonan at George Abellanosa habang wala namang pagkakakilanlan ang ikatlong napatay.

Sinabi ni Bulacan Police Director Senior Superintendent Chito Bersaluna, agad na nagpaputok ang mga suspek nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon.

Kahit may tama na ng bala ay tinangka pa umanong tumakas ni Polonan pero nahulog ito sa isang creek.

Nakuha sa nasawi ang isang Cal. 38 revolver na may lamang mga bala.

Naaresto naman sa bahay ni Polonan ang tatlong lalaki at isang bahay na naaktuhan humihitit ng shabu.

Ang mga naaresto ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...