Concert at iba pang trabaho kinansela ni Britney Spears

Instagram post

Kinansela ng singer na si Britney Spears ang nalalapit na concert sa Las Vegas at iba pang trabaho dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Spears na kamakailan ay na-ospital ang kanyang ama at muntik na aniyang mamamatay.

Inihayag ng singer na nagpapasalamat siya dahil nakaligtas sa kapahamakan ang ama pero mahaba pa aniya ang proseso para sa tuluyang pag-galing nito.

Dahil dito, iginiit ni Spears na kailangan niyang magpasya para ituon ang pansin sa kanyang pamilya.

Ayon sa ulat,  28 araw na na-confine sa ospital si Ginoong Jamie Spears sanhi ng colon rapture at nagpapagaling ngayon sa kanyang bahay.

Malaki umano ang utang na loob ng singer sa ama na nagbuhay sa kanyang singing career noong 2008 at nagsisilbi ngayon na “conservator” ng kanyang mga ‘business affairs” base sa desisyon ng korte.

Nakatakdang magsimula ang bagong concert series ni Spears na “Britney: Domination” sa Las Vegas sa February 13 at inaasahang tatagal hanggang Agosto.

Read more...