Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na hindi nila pwedeng isara ng tuluyan ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.
Bagaman nagpapalitan sila ng mga maanghang na salita ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison ay sinabi ng pangulo na hindi pwedeng putulin ng tuluyan ang proseso sa kapayapaan.
Noong nakaraang Pasko ay hindi tinapatan ng pamahalaan ang unilateral ceasefire ng komunistang grupo.
Noong panahon ring iyun ay sinabi ng pangulo na kayang durugin ng pamahalaan sa loob lamang ng ilang araw ang mga miyembro ng New People’s Army.
Sa kanyang pahayag ay sinabi naman ni Sison na gagawing prayoridad ng kanilang grupo ngayong 2019 ang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.