Tail-end of a cold front at Amihan nakakaapekto sa bansa

Walang bagyo na namamataan sa loob ng bansa sa susunod na dalawang araw ngunit may dalawang weather systems ang kasalukuyang umiiral.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, apektado ng Amihan ang buong Luzon na magdadala ng pulo-pulong mahihinang ulan sa buong rehiyon.

Dahil naman sa tail-end of a cold front makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong Visayas at Caraga Region.

Sa nalalabing bahagi naman ng Mindanao, magiging maganda ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Ngayong araw, delikado pa rin ang paglalayag sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Read more...