Duterte iginiit na kailangan na ang pagbuo ng permanent evacuation centers

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan na ang pagbuo ng permanenteng evacuation centers matapos ang pananalasa ng Bagyong Usman.

Sa situation briefing sa Camarines Sur na pinangunahan mismo ni Duterte, sinabi nito na kailangan nang gumawa ang gobyerno ng mga istraktura para sa mga evacuees.

Anya, tuwing may bagyo kasi ay nagdudulot ng abala sa mga estudyante ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation centers.

Inatasan ng presidente si Housing and Urban Development Coordinating Council chairperson Eduardo del Rosario na planuhin na ang pagbuo sa permament evacuation centers.

Sa panukalang 2019 budget na hindi pa naaaprubahan ng Kongreso, kabilang sa alokasyon ay ang P2.1B para sa konstruksyon ng permanent evacuation centers.

Read more...