Sa situation briefing sa Camarines Sur na pinangunahan mismo ni Duterte, sinabi nito na ang road tax ay nagagamit lamang sa korapsyon at dapat nang buwagin ang Road Board.
Ang Road Board ang siyang ahensya ng pamahalaan na may tungkulin na magturo ng mga proyektong popondohan ng pera na galing sa road user’s tax o Motor Vehicle User’s Charge.
Giit ng presidente ang multi-bilyong pisong pondo ng Road Board ay maaring gamitin para tulungan ang mga lalawigan na sinasalanta ng mga bagyo.
Pinauuna na ni Duterte ang pagtulong sa Bicol Region.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 122 na ang nasawi dahil sa Bagyong Usman.
Pinakanasalanta ng bagyo ang Bicol Region kung saan naapektuhan ang 23,087 pamilya.