Nagbabala si US President Donald Trump na gagamitin niya ang kanyang emergency powers sa pagtatayo ng US-Mexico border.
Sinabi ito ni Trump sa patuloy na pag-ipit ng Congressional Democrats sa hinihingi niyang pondo para sa nasabing border wall project na nagresulta sa dalawang linggong government shutdown.
Bukod pa ito sa pag-takeover sa kongreso ng Democratic lawmakers sa pangunguna ni Nancy Pelosi.
Nauna nang nakipag-pulong si Trump sa congressional leader sa pangunguna ni Pelosi at Senate Democratic Leader Chuck Schumer para tapusin ang partial shutdown at para makabuo ng kasunduan sa $5billion na pondo na hinihingi nito sa nasabing proyekto.
Gayunman, bigo ang magkabilang panig na magkaroon ng maayos na pag-uusap.
Sa isang panayam, sinabi ni President Trump na kinokonsidera niyang magdeklara ng national emergency para matuloy ang pagtatayo ng kontrobersyal na wall. “Yes, I have. … We can do it. I haven’t done it. I may do it … But we can call a national emergency and build it very quickly.” Ani Trump.