Umani ng batikos sa social media ang mga kwento tungkol sa insidente na kinasangkutan ng aktor.
Sa isang Twitter post, aminado si Labrusca na sumabog ang kanyang emosyon.
Kwento ng aktor, dismayado siya dahil 30 araw lamang ang ibinigay ng Immigration para siya ay manatili sa Pilipinas.
Giit pa ni Labrusca, hindi niya alam ang polisiya ng Immigration tungkol sa Balikbayan Privilege.
Sa inilabas na pahayag ng Bureau of Immigration, nagpaalala ito na sakop lamang ng pribilehiyo ang mga dating Pinoy na naging naturalized citizen sa ibang bansa at kanilang mga asawa at anak na babiyahe kasama nila.
Matapos aminin na siya ay nagkamali, pinabulaanan naman ng aktor na tinawag niyang ‘stupid’ ang Immigration officer at ipinagmalaki pa ang kanyang pagiging artista.
Alam umano niya na ginagawa lamang ng Immigration officer ang trabaho nito.
Muli itong nag-sorry at sinabing hindi excuse ang mahaba niyang biyahe mula Canada.
— Tony Labrusca (@tonythesharky) January 4, 2019