M3.4 na lindol yumanig sa Davao Oriental

Isa na namang aftershock ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental ang naitala alas-12:12 ngayong hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, may lakas ang bagong pagyanig na magnitude 3.4.

Ang episentro nito ay sa layong 224 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 125 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang kasunod pagyanig at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...