Kasalukuyang binabayo ng Tropical Storm Pabuk ang southern Thailand.
Ayon sa Thailand meteorological department, ang bagyo na ito ang pinakamalakas na tumama sa bansa sa loob ng tatlong dekada.
Ayon sa Department of Disaster Prevention and Mitigation, 61,000 katao na ang lumikas mula sa Koh Samui, Koh Tao at Koh Phangan islands dahil sa banta ng bagyo.
Sa Nakhon Si Thammarat, maraming puno na rin ang nagbagsakan.
Sa Pattani province, isang mangingisda na ang nasawi dahil sa malakas na alon.
Inaasahan namang hihina sa isang tropical depression ang bagyo pagtama sa Surat Thani province.
Ayon sa mga awtoridad, bagamat pinakamalakas ang Tropical Storm sa loob ng tatlong dekada, handa ang kanilang gobyerno kaya’t hindi inaasahan ang maraming casualties.
Ang huling malakas na bagyong tumama sa Thailand ay ang Typhoon Gay noong 1989.