IRA ng maraming lokal na opisyal ibinubulsa pa rin – PACC

Natuklasan ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na patuloy pa ring winawaldas o ibinubulsa ng mga lokal na opisyal ang bilyun-bilyong pisong internal revenue allotment na pondong kanilang natatanggap.

Ayon kay PACC Commissioner at Spokesman Atty. Manuelito Luna, sa kanilang pagsisiyasat, karamihan sa mga opisyal na nagbubulsa ng pondo ay galing Mindanao.

Natuklasan din ng PACC na matagal na itong nangyayari sa Mindanao at open-secret na ito sa mga auditor ng pamahalaan.

Dahil dito, nais ng PACC na isailalim sa isang special fraud audit ng Commission on Audit o COA, kasama ang PNP at AFP ang mga lokal na opisyal na nagbubulsa ng IRA.

Siniguro naman ng PACC na tutulungan nila ang COA upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal ng bayan.

Read more...