Iginiit ni Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Chairperson Stella Marquez-Araneta na nasa kanila pa rin ang franchise ng Miss Universe at hindi sa iba.
Kamakailan ay naging maugong ang balita na nakuha na ng kompanyang LCS Group na pinamumunuan ni Chavit Singson at anak na si Richelle Singson-Michaels ang franchise ng Miss Universe.
Ang may hawak ng prangkisa ang tanging makakapagpadala ng mga kandidata para sa mga pageant.
Kasalukuyang ang BPCI ang franchise holder ng anim na international pageants na:
Miss Universe
Miss International
Miss Supranational
Miss Grand International
Miss Globe
Miss Intercontinental
55 taon nang pinangangasiwaan ni Marquez-Araneta ang franchise na nakapag-panalo na ng apat na Miss Universe.
Matatandaang, tumanggi na ang pamilya Singson na sagutin ang isyu nang ihatid nila pabalik sa Pilipinas ang bagong Miss Universe na si Catriona Gray.