Magkasunod na pagyanig naitala sa Governor Generoso, Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 178 kilometers Southeast sa bayan ng Governor Generoso, 4:44 hapon ng Biyernes, January 4.

May lalim na 49 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Samantala, alas 5:44 naman ng hapon naialta ang magnitude 3.4 na lindol sa parehong bayan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala naman sa 145 kilometers southeast ng Governor Generoso.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...