Pasok sa mga korte sa Maynila suspendido na rin sa Jan. 9

Suspendido na rin ang pasok sa mga korte sa Maynila sa Jan. 9 araw ng Miyerkules.

Ito ay dahil isasagawa sa nasabing petsa ang taunang traslacion sa Itim na Nazareno.

Ayon sa abiso ng Supreme court Public Information Office, matapos suspendihin ni Mayor Josep Estrada ang pasok at trabaho sa Maynila sa Miyerkules ay suspendido na rin ang operasyon ng mga korte.

Sakop nito ang Korte Suprema, Court of Appeals, at mga Regional Trial Courts at Metropolitan Trial Courts sa lungsod.

Read more...